Miyerkules, Agosto 20, 2014

ANG SINAUNANG KABIHASNAN

         Sa aking palagay ,ang mga sinaunang kabihasnan ay ang sinaunang pamumuhay ng mga tao.Dito rin natin malalaman ang ilan sa mga pinagmulan ng mga bagay bagay na ginagamit natin sa kasalukuyan .Dahil din sa mga kabihasnan nagkaroon tayo na mga sistema ng pagsula .Sumasalamin din ito kung paano namuhay ang ating mga ninuno noong unang panahon .Namuhay ang ating mga ninuno sa mga kweba.Ginagamit nila ang mga bato o uling upang makapagsulat kuna ating iisipin ang ating  mga ninuno ay namuhay lang na umaasa sa kalikasan dahil sa mga panahon na iyon ay wala pa ang modernisasyon at teknolohiya. 
                                                                                                     NARITO ANG ISANG HALIMBAWA NG SINAUNANG                                        KABIHASNAN;                                                            

Ang kanilang pamumuhay noon ay ang pangangaso,at pagtatanim lamang sa mga kabukiran dito lamang sila kumukuha ng pagkukuhanan sa kanilang pamumuhay upang mayroon silang kainin sa pang araw araw .Ngunit  sa paglipas ng panahon, paunlad  na nang paunlad lang ang mga maka bagong teknolohiya . Mas nagkaroon na nang ibat ibang paraan ang tao upang mamuhay. mas naging modernisasyon na ang mundo at kung hindi dahil sa mga kabihasnan, wala sana tayong sinaunang kultura at paraan ng pamumuhay sa kasalukuyan.

NARITO NAMAN ANG HALIMBAWA NG KANILANG GINAMITNA PANULAT SA KAPANAHUNAN NG ATING                MGA NINUNO;



Ito ang isang ginamit nila sa pagsulat ng kanilang mga kasaysayan   na kanila nilang naranasan noong kanilang kapanahunan .Ito ay ang uling na ginagamit natin na pamalit sa kalan madali lamang itong gamitin dahil ito ay tuyo at hindi basa.

                   IKALAWA NILANG GINAMIT;


                            

                                                                                                            Ito ay ang bato kung saan itoy kanilang ginagamit upang ipang ukit sa mga pader o buhangin na magbibigay ng mensahe sa kanilang mga ninuno ang ating mga ninuno ay mapamaraan...                                    
                                 
                                                  
                                                         

Biyernes, Agosto 15, 2014

Ang Aking Impresyon sa Digmaan sa Gitnang Silangan

Sa pagitan ng digmaan ng israel at libya  ay mayroong mga ibat ibang pangyayari kung saan ang mga kagrupo ng israel at libya ay kapwa ding nakiipaglaban ng walang alinlangan dahil natatakot  silang mabawasan ang mga kanilang grupo.Nagtulong tulong ang kani kanilang grupo upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa kapahamakan at mayroon din silang ibat ibang uring armas na kanilang gagamitin sa pakikipagdigmaan Sa panahong ito mayroong nasugatan at namatay  dahil sa pagtatalo ng israel at libya hindi nila ito idinaan sa masinsinang usapan kundi sinunod nila ang kanilang nasa isipan  at sa sobrang galit idinaan na lamang nila ito sa pakikipagdigmaan.                                                                 NARITO ANG LARAWAN NG PAKIKIPAGDIGMAAN NG ISRAEL AT LIBYA;                                                                                            
Dahil dito maraming taong napinsala sa paraang ito pati narin ang mga musmos na bata ay nadamay din.   sila ay nagtatalo dahil sa hindi nila napagkasunduang usapan.  Ang ibang mga tao ay naghihirap sa pera dahil nga sa ganitong pangyayari na kanilang ipinairal...                                                                                                                    
            Ito ang isang armas na kanilang ginamit  sa pakikipag digmaan  . Ito ay ginagamit  ng  mga taong pinag aaralan  sa kanilang mga kursong kinuha sa kolehiyo.    At ito ay mayroong tulis sa dulo na dapat hindi pakiilaman ng mga batang naglalaro sapagkat baka kanilang ipang tusok.                                                                                                                   IKALAWANG ARMAS NA KANILANG GINAMIT

        Ang ibat ibang uri ng baril ay isa din namang armas na maaaring makapatay ng tao dahil naglalabas ito ng mainit na bala kung saan makakaapekto ito sa ating buhay. Ito ay hindi dapat na pinapa hawakan sa mga musmos na bata . At kailangan din ay  ilagay natin ito sa hindi maaabot ng bata . At kung maaari ay sabihin sa bata na dapat ay hindi pakiilaman dahil baka gawin nya itong laruan na maaari pang maka aksidente sa ibang tao.   mayroon ding ibat ibang pangalan ang mga armas na ito                                                                                                                                      

Biyernes, Agosto 1, 2014

NARITO NAMAN ANG AKING BUONG KAALAMAN SA  ASIGNATURANG ARALING PANLIPUNAN

Mayroong apat na rehiyunal sa pagkakahati ng asya. Sa hilagang asya ay mayroong  siyam na lugar na nakapaloob dito sa ating bansa  . Sa kanlurang asya naman ay mayroong labing limang lugar. Sa timog asya ay may roong namang walong lugar. Sa timog silangang asya  ay mayroong labing isang bansa .Sa silangang asya naman ay mayroong limang bansa.

 
   north o sa tagalog ay hilaga
       south o di kaya'y timog
           east o silangan kaya ito tinawag na silangan dahil dito unang  sumisibol ang araw.
               west o kanluran dito naman kumakanlong ang araw. kaya ito tinawag na kanluran dahil dito kumakanlong ang araw.


MATATAGPUAN DIN NATIN SA ASYA ANG IBAT IBANG URI NG ANYONG LUPA ITO AY ANG MGA: 

Bulubundukin,bundok, bulkan,talampas,disyerto,kapuluan o arkipelago ,pulo, tangway o peninsula at kapatagan.

SURI SIPI 

Ang uri ng kapaligirang pisikal mayroon sa isang lugar ay apektado ng uri ng klima nito. itoy bunsod din ng mga pangyayaring likas na hindi natin maiiwasan ngunit may mga pamamaraan para mabawasan, kung hindi man maiwasan  ang mga kapinsalaang dulot nito . ito ay ang paggalaw ng lupa at pagputok  ng mga bulkan at ang pagihip ng monsoon o hanging nagtataglay ng ulan na maari sa ating humantong sa bagyo. mayroon ding pagbabagong naidudulot ito sa ating kapaligiran.. Sa heograpiya naman ay nauukol sa pagaaral ng mundo at mga taong naninirahan dito . nakapaloob dito ang mga katangiang pisikal ng mundo ibat ibang anyong lupa at may ibat ibang anyo at uri ng tubig,klima,at likas na yaman sa ating bansa.

Ang klima ito ay tumutukoy sa karaniwang panahon maraming aspeto ng klima ang ating nararanasan   sa loob ng isang mahabana panahon  ..

Sa likas na yaman ay mayroong ibat ibang uri ng halimbawa ng likas na yaman , .yamang mineral, yamang tubig , at yamang lupa.

mayroon ding ibat ibang salik na nakaaapekto sa ating bansa o lugar ito ay ang :

Lokasyon , impluwensya sa topograpiya, uri  o dami ng halaman, lapit o layo ng lugar sa ating bansa at ang anyong tubig .

Ang MONSOON naman  ay tumutukoy sa salitan at pag kasalungat ng hangin . 

NARITO ANG DALAWANG URI NG MONSOON:
 una,northeast monsoon at ang southwest monsoon  o di kayay  hanging amihan o hanging habagat  at ito rin ay ang pagbabago sa direksyon ng hangin at nagdadala ng matinding ulan .

Ang amihan ng monsoon  ay nagmula sa siberia patungong karagatan at habagat na nagmula naman sa karagatan patungong kontinente .

Ang average weather  ay karaniwang nararanasan ng isang lugar na kinapapalooban ng mga elemento tulad ng tempereatura ulan at hangin 

Mayroong mga salik na nakaaapekto sa klima ng isang lugar ito ay ang lokasyon topograpiya sa ating bansa. 

sa hilaga kadalasan ang ulan 
sa kanluran nama ay ang init at lamig 
sa timog ibat ibang uri ng klima 
sa silangan malamig ang ibang parte 
 sa timog silangang asya init at lamig. 
     Mayroong mga pagkakaiba at pagiging katangi tangi ang lahat ng anyo ng ating buhay na ito rin ang bumubuo sa ating natural na kalikasan ito ay tinatawag na biodiversity .Sa asya naman ito ay itinuturing na pinaka malaking kontinente sa buong mundo at ito rin ay itinuturing na pangunahing pinagmumulan ng mga global biodiversity .Sapagkat habang ang mga bansa  sa asya ay patuloy na ring papunta sa kaunlaran, dahil gusto nilang umasenso sa kanilang  pamumuhay kaya naman ang mga ibang nagtatrabaho ay pinagsisikapan nilang mabuti  ang kanilang pamumuhay upang umasenso sila sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng oras.
    Kasabay na din nito ay ang pagdating ng mga suliraning ekolohika at ang pang kapaligiran na bunsod ng hindi na mapigilang pag unlad ng ating ekonomiya at ang patunay na paglaki ng ating populasyon.
     Ang mga bansang asyano ngayon ay humaharap sa mga masalimuot na interaksyon ng mga isyung panlipunan,pulitikal ,ekonomiya,at ang pangkapaligiran.

Ang masusing ugnayan at pagbabalikatan natin ng bawat isa sa lob ng ating bansa at sa pagitan ng bawat ng bawat bansa ay mahalaga upang makapag balangkas at makapagpatupad ng anumang akmang solusyon sa mga suliranin o sa paparating ng suliranin .

    NARITO ANG IBANG MGA SALITA NA MAAARI MONG              MAINTINDIHAN O MALINAWAN SA LAHAT NG  PAGKAKATAON 
  
Desertification ito ay tumutukoy sa pagkasira ng lupa ang iba kasing mga kabanata ay ginagawang pangtroso upang sila ay may mapakinabangan sa lahat ng pagkakataon



Salinization  itoay ang pagiging maalat ng tubig.ito ay nagiging problema kung saan nasisira dahil sa lumilitaw na ang mga asin sa lupa nito kapag umahon na ang asin na galing sa tubig ang mga halaman dito ay maaari ng mamatay kapag naman nagdaan ang mga sasakyan dito ay maaaring kalawangin ang ibang bahagi nito.


Habitat-ito ay ang tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay napapakinabangan nila ito upang sila ay magkaroon ng pagsisilungan



Hinterland-malayong lugar dito maaring pag naaksidente walang tutulong sayo dahil liblib ang lugar na ito.





Ecological balance- balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay at kapaligiran.
Dito hindi madami ang mga puno at mga bagay na may buhay kundi sakto o tama lang 





Deforestation-pagkaubos at pagkawala ng punong kahoy .kaya nauubos ang mga puno dito dahil  kinukuha nila ito upang ipag benta at ipalit sa malaking halaga .



Siltation ito ay ang deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa iasng lugar o di kaya sa isang natatanging bansa.


Red tide ito ay ang sanhi ng dinoflagets na lumilitaw o lumulutang sa ibabaw ng dagat man o tubig. 


Kadalasang nauubos ang mga punong kahoy dito sa ating bansa dahil ang mga nagtotroso  ay kulang sa pera kaya naman sila ay naghahanap  ng lugar na mapuno dahil sa kanilang puputulin at gagawing panghanap buhay nila ito. sila din ay gumagawa ng mga lamesa't upuan na yari lamang sa matibay na kahoy   . Sa pangingisda naman nila ay kadalasang wala silang inuuwing maraming isda dahilan nga nito ang paggamit ng ibang tao ng ibat ibang klaseng dinamita kaya naman  ang ibang mangingisda ay namomroblema dahil nga sa pamamalakad ng ibang tao sa ating kalikasan dapat na pinapahalagahan ang mga kalikasan dahil dito rin tayo balang araw na makakakuha ng mga pagkain . Dapat kapag nag putol ng puno kailangang palitan ang anumang kanilang kinuha at ginamit...



Mas nalinawan ako sa mga likas na yaman ng ating bansa at nalaman ko din na dapat pahalagahan ang mga yamang lupa , yamang tubig at mineral .sa ating bansa mayroong ibat ibang uri at anyo nito.



Ang biodiversity ay ang tumutukoy sa pagkakaiba at pagiging katangi tangi ng lahat ng anyo ng buhay  na binubuo sa natural na kalkasan .

 NARITO ANG MGA DAHILAN NG MABILIS NA PAGKAWALA NG BIODIVERSITY SA ASYA ;

Una, ang patuloy na pagtaas ng populasyon .
Ikalawa, walang habis na pagkilala at paggamit sa mga likas na yaman
Ikatlo,pag aabuso sa lupa .
Ikaapat,pagkakasira ng kagubatan o deferestation 
ikalima, polusyon sa ating kapaligiran .
ikahuli at ika anim, introduksyon ng mga species na hindi sa isang rehiyon......

                NARITO NAMAN ANG MGA SULIRANING                             PANGKAPALIGIRAN DULOT NG MALAKING                                                 POPULASYON;  

-Lalong naging mataas ang pangangailangan para sa likas na yaman.
-higit na tumitindi ang presyur sa lupa
-pagwasak ng mga tirahan ng ibat ibang species na hayop.
-nadaragdagan ang produksyon ng mga basura na nagbubunsod ng kontaminasyon na hangin,lupa,at tubig.

MGA SANHI SA PAGKASIRA NG LUPA;

Salinization ito ay lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa ito ay nagaganap kapag mali ang isinasa gawang proseso ng irigasyon  sa paligid ng mga estuany at gayundin sa mga lugar na mababa na ang balon ng tubig o water table. unti unting natutuyot ang tubig osalt water kapag ka bumabaha ang water level gaya ng alat  na nararanasan ng bansang bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig alat sa kanilang mga ilog.

Desertification ito ay tumutukoy sa pagkasira ng mga lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa  permanenteng pag kawala ng kapakinabangan o productivity nito tulad ng nararanasan sa ilang bahagi ng china,jordan,iran,lebanon,syria,yemen,india,at pakistan.

Overgrazing ang kapasidada ng damuhan ay hindi sapat kaysa laki ng kawan ng hayop.

Habitattirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay ito ang pangunahing apektado ng land conversion o ang paghahawan ng kagubatan  pag papatag ng mga  mabundok o maburol na lugar  upang magbigay daan sa mga proyektong pang kabuhayan.

Hinterlands malayong lugar , malayo sa mga asbanisadong lugar ngunit apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod tulad ng pangangailangan ng huli sa pagkain ,panggatong at troso para sa kontruksyon ng itinutustos  ng hinter lands na humahantong sa pagkasaid ng likas na yaman nito.

Ecological balance balanseng ugnayan sa pagitan ng mga  bagay na may buhayat  ng kanilang kapaligiran .

Deforestation ito ay tumutukoy sa pagka ubos at pagkawala ng mga punong  kahoy sa mga gubat .isa ito sa mga problemang nararanasan ng asya sa kasalukuyan . ayon sa asian development  bank nangunguna ang bangladesh  indonesia , pakistan at pilipinas sa mga bansang may pinaka mabilis na antas  ng deforestation ....

 Siliation  parami at padagdag na deposito ng banlik  na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar ito ay isa rin sa mga problemang kinakaharap  ng mga bansa  sa asya na dulot o bunsod ng pagkasira ng kagubatan at enorsyon  ng lupa gaya ng kondisyon ng lawa ng tonle sap  sa cambodia.

Global Climate Change ito ay ang pagbabago ng pandaigdigan o rehiyunal na klima na maaarin pagbabago sa daigdig o nang mga gawain ng tao karaniwang tinututoy nito sa kasalukuyan ang pagtaas ng katamtamang temperatura o kilala sa tawag na global warming...

Martes, Hulyo 15, 2014

ang aking mga natutunan sa araling panlipunan


Ang salitang HEOGRAPIYA  ay nagmula sa salitang ''geo'' naang ibig sabihin ay ''lupa'' at ''graphein'' na ibig sabihin ay ang taong sumulat. Ang heograpiya ay isang pag-aaral ng mundo  at mga taong  naninirahan dito. sakop nito ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo ibat ibang anyong lupa at anyong tubig,klima at likas na yaman ng isang pook.Ang asya ay isa sa mga pinakamalaking kontinente sa buong daigdig.At dito rin natin matatagpuan ang mga ibat ibang anyong lupa at anyong tubig. Ang asya ay nahahati sa limang rehiyon ito ay ang; hilagang asya dito ay nakapaloob ang mga bansang Armenia,Azerbaijan,Georgia,Kazakhstan,Mongolia,Tajikistan,Turkmenistan,at Uzbekistan.Kanlurang asya tinawag itong kanluran dahil dito laging kumakanlong o kumukubli ang araw At dito rin ay mayroong labing limang lugar ito ay ang Bahrain,Cyprus ,Iran,Iraq,Israel,Jordan,Kuwait,Lebanon,Oman,Qatar,Saudi Arabia,Syria,Turkey,United Arab Emirates at Yemen . Sa timog asya naman ay mayroong walong lugar ito ay ang Afghanistan,Bangladesh,Bhutan,India,Maldives,Nepal,Pakistan at Sri Lanka .Ilan lamang ito sa lugar ng Timog Asya na karaniwang ating makikita. Sa silangang asya naman nakapaloob dito ang lugar ng China,Japan,North Korea,South Korea at Taiwan..Sa Timog Silangang Asya naman ang nakapaloob na lugar dito ay ang Brunei,Cambodia,East Timor,Indonesia,Laos,Malaysia,Myanmar,Philippines,Singapore,Thailand at Vietnam..Iyan ang lugar sa mga limang rehiyon na ating bansa..Mas maliliwanagan tayo  dito kung alam natin at kabisado natin ang mga katangi tanging lugar  na nakaaloob  sa bawat bansa at lugar sa ating mundo.         
                  NARITO ANG KATANGIANG PISIKAL SA BANSANG ASYA:
 Sa hilagang asya mayroong malawak na damuhan .Napapakinabangan natin ito sa ating  mga alagang hayop  dahil  ang damuhang ito ay maaaring pagpastulan ng mga hayop na maaari nating maalagaan..                          
-Kakaunti lamang ang mga puno .Ito ang isang sanhi sa pagpuputol  ng mga puno at maaari tayong bahain kung kulang o wala tayong mga puno makakaapekto ito sa atin sapagkat mas dadami ang mga taong magkakasakit .Makukuha natin ang iba't ibang sakit sa balat dahil sa ating paglusong sa baha  .Sa hilagang asya din ay mayroong tatlong uri ng grassland ito ay ang:                                                                                 
TATLONG URI NG GRASSLAND:     

UNA, ang STEPPE. Ito ay ang malawak na lupang nagtataglay ng damuhang may ugat na mababaw na karaniwan nating makikita sa asya.                                                                                                                 



IKALAWA,ang PRAIRE .Ito ay ang mga damuhang mataas at malalim ang ugat . Habang tumataas at lumalaki ang isang puno lalo naman itong  babaon at lalalim ang mga ugat nito. Matatagpuan sa hilagangbahagi ng  mga steppe ng Russia at maging sa Manicuria. 
                              

ANG IKATLO AT IKAHULI, SAVANNA. Ito ay ang lupaing pinagsamang damuhan at kagubatan makikita natin dito na ang damo nito ay mayroong pagkapula.          


Sa   KANLURANG ASYA  naman  ay salat sa tubig  ang lupang ito  sapagkat ang malaking bahagi nito ay disyerto at dito rin ay nagtataglay  ng malaking suplay ng langis.   Ang OASIS ang lugar na disyertong nagtataglay ng  matabang lupa  at matabang tubig na maaaring makabuhay  ng mga halaman at hayop  na maaaring maalagaan .                                                                                                                      

Sa TIMOG ASYA  matatagpuan natin ang isang malaking tangway  na tila hugis tatsulok . Makikita rin natin dito ang mga nagtataasang mga kabundukan  sa buong mundo. halimbawa na lamang nito ay ang himalayas at mt. everest.                                                                                                                                      

Sa SILANGANG ASYA naman ay ang malaking bahagi ng populasyon ay ang naninirahan at nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa dahil ang kanlurang bahagi nito ay ang mga kabundukan at talampas karamihan din sa mga tao dito ay may nomadikong nagpapastol.

Ang KONTINENTE NG ASYA ay may iba't ibang klima tulad ng tag-init, tag-ulan ,tag-lamig at kung minsan ay taglagas. Ang klima ay tumutukoy sa karaniwang panahon na nararanasan sa isang mahabang panahon ang temperatura ng lugar ay ang ulan at hangin ilan-lamang ito sa elementong nakapaloob sa klima at hindi natin agad itong masasabing climate change  kung mayroon tayong pinagbabatayan. Ang lokasyon ng isang lugar, impluwensya ng topograpiya, dami o uri ng halaman at lapit olayo ng isang lugar sa anyong tubig ito ay ang mga maaaring makaapekto sa klima ng isang lugar. Nakakaapekto ang ating lokasyon sapagkat mayroong bansang anim na buwang hindi sinisikatan ng araw.

 URI NG KLIMA SA ASYA:  

HILAGANG ASYA- Sentral kontinental mahaba ang lamig na karaniwang  tumatagal ng anim na buwan at maigsi ang tag-init ngunit, may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa.Gayunpaman, Malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.                                           

KANLURANG ASYA- Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon  ng labis  o  di kaya'y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.Bihira at halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon .Kung umulan naman itoy kadalasang  bumagsak lamang sa mga pook sa malapit sa dagat.

TIMOG ASYA- iba iba ang klima sa isang taon .Mahalumigmig kung hunyo hanggang setyembre  tag lamig kung buwan ng disyembre hanggang pebrero at kung marso hanggang mayo  tag init at tag tuyot nananatiling malamig sa niyebe  o yelo ang himalayas at ibang bahagi ng rehiyon..

SILANGANG ASYA- monsoon climate ang uri ng klima  ng rehiyon. dahil sa lawak ng rehiyong ito ang mga bansa dito ay  nakakaranas ng ibat ibang panahon . mainit na panahon para sa mababang latitude , malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon .

TIMOG SILANGANG ASYA- Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal ,nakararanas ng tag-init , tag-lamig , tag-araw ,at tag-ulan.

Ang karaniwang panahon o average weather  na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon ay tinatawag na klima. kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng temperatura ulan at hangin .  Maraming salik ang nakakaapekto sa klima ng isang lugar . ilan dito ang lokasyon ,topograpiya , uri o dami ng mga halaman at distansya sa mga anyong tubig . dahil sa lawak ng asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at panahon. Samantala ang mga monsoon o mga hanging nagtataglay ay ulan ay isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo't higit yaong mga nasa silangan at timog-silangang asya depende sa lakas ng bugso nito. Ito ay maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.                                                   


MONSOON   - Ito ay tumutukoy  sa salitan at pagkasalungat ng hangin sa isang bansa o alternating and opposing wind o seasonal winds.  Ito rin ay mayroong dalawang uri ito ay ang northeast monsoon o hanging amihan at southwest monsoon o hanging habagat .     
          
NOTHEAST MONSOON  - Pagbabago sa direksyon sa hangin mula sa kontinente patungo sa karagatan.Ito rin ay nagdudulot ng mahabang temperatura subalit walang dalang masyadong pag-ulan ..                                                                                                                        

SOUTHWEST MONSOON   -  Pagbabago ng direksyon ng hangin mula sa karagatan patungo sa kontinente . Nagdadala din ito ng matinding ulan sa silangang baybayin ng timog silangang asya.                                                                                                                               

 Ang Kontinente ng asya ay may ibat ibang  ANYONG LUPA  na katangi- tangi .Isa na dito ay ang bulubundukin o mas kilaka bilang hanay ng mga bundok  ang himalayas ay tinuturing ding isang bulubundukin at ito ay may sukat na umaabot sa 2,414 kilometro. Ang afghanistan,pakistan at tajikistan ay ilan din sa mga bulubundukin sa asya, Ikalawa ay ang bundok , ang bundok ay isang pataas na lupa  sa daigdig ,ito rin ay hanay sa grupo ng mga burol,talampas,at lambak . Tanging sa kontinente lang ng asya matatagpuan ang mga  nagtataasan at naglalakihang bundok  una dito ang mt. everest  na may sukat na 8,848 kilometro na matatagpuan sa timog asya (NEPAL/TIBET). Ang kapatagan ay isang malawak na kung saan karamihan ng mga tao ay dito naninirahan dito rin sila humahanap  ng pagkakakitaan malaking bahagi ng kapatagan ay ang palayan. Maaari ring magtanim ng mga gulay at prutas na maaaring kainin ng mga tao. 

Ang kontinente ng asya ay napapaliigiran din ng mga ANYONG TUBIG. Ang pinakamalawak na anyong tubig ay ang pacific ocean . Ang kabundukang lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon marami paring taong naniniarahan sa kapatagan kaysa sa kabundukan. Sapagkat mas pinili nila ang lugar na kung saan sila ay komportable sa lugar. 

Ang PACIFIC RING OF FIRE sa Pilipinas ay kasama ang ilang mga bansa sa rehiyon ng asya pasipiko,  ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay Ring of Fire o Cicum Pacific Seismic Belt. Ang lugar na ito ay nagtataglay na maaaring hanay ng mga bulkan kasama na ang bulkang mayon,pinatubo,taal,at krakatoa. ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig tinatayang walungput'isang porsyento ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito. sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang kasaysayan ang karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig ay hinubog at binigyang porma ng bukod sa paggalaw ng tectonic plates na nagpabitak at nagpaangat sa ilang bahagi ng lupa ay dulot ng nga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan. Ang bulkan ng Pacific Ring of Fire ay lalabas lamang kung kaylan ito malapit nang pumutok. 
Mayroon din namang pagkakaugnay ang pagsabog ng bulkan sa pagkakaroon ng mga pisikal na anyo tulad ng bundok, talampas, ilog, lawa at dagat . Sapagkat makakatulong ito sa paggawa ng panibagong uri ng anyong lupa gamit lamang ang mga batong nagbabaga na nagmula sa bulkan. Pinaghahandaan din natin ang mga kalamidad dahil ito'y maaaring makapinsala sa ating lugar. kapag may kalamidad maaaring mangyari na gumuho ang mga pader, magkaroon ng lamat ang ating pader dahil sa sobrang lakas ng pagyanig .Maaari din tayong matabunan, madaganan at marami pang iba.Magkaugnay din naman ang lindol at tsunami.  Nakasanayan na natin na tawaging tsunami ang mga alon na paparating. Nang pumutok ang mt.pinatubo maraming taong napinsala nito at mas marami din ang mga taong natabunan ng mga buhangin sa pag tabon nito dito rin sila nakagawa ng paraan para umahon at bumangon sa kanilang pagkakatabon .Kaya naman noong mangyari ang kalamidad  maraming buhangin ang nagkalat sa daan. Kaya naman ang mga taga pampanga ay nagsawa sa mga buhangin . Nagisip sila ng paraan kung paano  aalisin ang mga buhanging ito. Naisip nila na baka pwedeng pagkakitaan ang bagay na ito nag mula ang produktong buhangin sa lugar pampanga  dahilan nga nito ang pagsabog ng mt.pinatubo . maaari ding makasira ito sa ating straktura dahil sa mga kalamidad na nangyayari o nagaganap sa ating bansa.

Ang HUC o kilala sa pangalang HIGHLY URBANCE CITY ito ang isa sa mga lugar na pinaka maganda at pinaka malawak na lugar.

Ang lahat ng ating nasa paligid ang mga kabundukan,dagat,hayop,halaman at mineral ay ang mga likas na yaman na siyang puhunang nililinang ng tao   upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan noon pa man at magpahanggang sa ngayon ang uri  ng pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa kanyang kapaligiran .Pagsasaka ang karaniwang hanap buhay kung ang tao ay naninirahan sa kapatagan  kung sa baybaying dagat naman ay pangingisda ang ikinabubuhay.Tunay nga na ang ganitong ugnayan ng tao at kapaligiran ay isang natural na prosesong ipinagkaloob  ng ating panginoon upang ang lahat ay mabuhay sa atin ng sagana .Malaki ang naitutulong  nito sa atin sapagkat itoy maaari nating mapakinabangan at maaari ding magkaroon tayo ng hanap buhay dahil dito mas dadami ang mga taong uunlad sa buhay sa pamamagitan lamang ng mga likas na yaman  halimbawa na lamang nito  ay ang pangingisda  Ang pangingisda  ay isa sa hanap buhay ng maraming tao  kaya naman kapag gumamit  ang ibang tao  ng dinamita ang lahat ng taong mangingisda ay walang pagkakakitaan dahil  nga sa paggamit ng  dinamita maraming tao at hayop na mapipinsala sa ganitong paraan.Ikalawa, pagmimina ng ginto dito mas malaki ang pagkakakitaan kaysa sa pangingisda  ngunit kapag ikay naghukay maliliit o kapiranggot lamang ang mga iyong makikitang ginto dahil  marami ang umaasa na makakakuha sila ng mga tipak ng ginto  dahil kapag binenta ang mga tipak ng  ginto mas malaki ang halaga nito .Kaya naman maliliit  ang nakukuhang ginto ng ibang tao dahil kapag  hinukay nila ang mga ginto  gumagamit sila ng anong bagay para makuha ito kapag mali ang kanilang pagkuha ng ginto.