NARITO ANG KATANGIANG PISIKAL SA BANSANG ASYA:
Sa hilagang asya mayroong malawak na damuhan .Napapakinabangan natin ito sa ating mga alagang hayop dahil ang damuhang ito ay maaaring pagpastulan ng mga hayop na maaari nating maalagaan..
-Kakaunti lamang ang mga puno .Ito ang isang sanhi sa pagpuputol ng mga puno at maaari tayong bahain kung kulang o wala tayong mga puno makakaapekto ito sa atin sapagkat mas dadami ang mga taong magkakasakit .Makukuha natin ang iba't ibang sakit sa balat dahil sa ating paglusong sa baha .Sa hilagang asya din ay mayroong tatlong uri ng grassland ito ay ang:
TATLONG URI NG GRASSLAND:
UNA, ang STEPPE. Ito ay ang malawak na lupang nagtataglay ng damuhang may ugat na mababaw na karaniwan nating makikita sa asya.
IKALAWA,ang PRAIRE .Ito ay ang mga damuhang mataas at malalim ang ugat . Habang tumataas at lumalaki ang isang puno lalo naman itong babaon at lalalim ang mga ugat nito. Matatagpuan sa hilagangbahagi ng mga steppe ng Russia at maging sa Manicuria.
ANG IKATLO AT IKAHULI, SAVANNA. Ito ay ang lupaing pinagsamang damuhan at kagubatan makikita natin dito na ang damo nito ay mayroong pagkapula.
Sa KANLURANG ASYA naman ay salat sa tubig ang lupang ito sapagkat ang malaking bahagi nito ay disyerto at dito rin ay nagtataglay ng malaking suplay ng langis. Ang OASIS ang lugar na disyertong nagtataglay ng matabang lupa at matabang tubig na maaaring makabuhay ng mga halaman at hayop na maaaring maalagaan .
Sa TIMOG ASYA matatagpuan natin ang isang malaking tangway na tila hugis tatsulok . Makikita rin natin dito ang mga nagtataasang mga kabundukan sa buong mundo. halimbawa na lamang nito ay ang himalayas at mt. everest.
Sa SILANGANG ASYA naman ay ang malaking bahagi ng populasyon ay ang naninirahan at nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa dahil ang kanlurang bahagi nito ay ang mga kabundukan at talampas karamihan din sa mga tao dito ay may nomadikong nagpapastol.
Ang KONTINENTE NG ASYA ay may iba't ibang klima tulad ng tag-init, tag-ulan ,tag-lamig at kung minsan ay taglagas. Ang klima ay tumutukoy sa karaniwang panahon na nararanasan sa isang mahabang panahon ang temperatura ng lugar ay ang ulan at hangin ilan-lamang ito sa elementong nakapaloob sa klima at hindi natin agad itong masasabing climate change kung mayroon tayong pinagbabatayan. Ang lokasyon ng isang lugar, impluwensya ng topograpiya, dami o uri ng halaman at lapit olayo ng isang lugar sa anyong tubig ito ay ang mga maaaring makaapekto sa klima ng isang lugar. Nakakaapekto ang ating lokasyon sapagkat mayroong bansang anim na buwang hindi sinisikatan ng araw.
URI NG KLIMA SA ASYA:
HILAGANG ASYA- Sentral kontinental mahaba ang lamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan at maigsi ang tag-init ngunit, may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa.Gayunpaman, Malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.
KANLURANG ASYA- Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o di kaya'y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.Bihira at halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon .Kung umulan naman itoy kadalasang bumagsak lamang sa mga pook sa malapit sa dagat.
TIMOG ASYA- iba iba ang klima sa isang taon .Mahalumigmig kung hunyo hanggang setyembre tag lamig kung buwan ng disyembre hanggang pebrero at kung marso hanggang mayo tag init at tag tuyot nananatiling malamig sa niyebe o yelo ang himalayas at ibang bahagi ng rehiyon..
SILANGANG ASYA- monsoon climate ang uri ng klima ng rehiyon. dahil sa lawak ng rehiyong ito ang mga bansa dito ay nakakaranas ng ibat ibang panahon . mainit na panahon para sa mababang latitude , malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon .
TIMOG SILANGANG ASYA- Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal ,nakararanas ng tag-init , tag-lamig , tag-araw ,at tag-ulan.
Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon ay tinatawag na klima. kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng temperatura ulan at hangin . Maraming salik ang nakakaapekto sa klima ng isang lugar . ilan dito ang lokasyon ,topograpiya , uri o dami ng mga halaman at distansya sa mga anyong tubig . dahil sa lawak ng asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at panahon. Samantala ang mga monsoon o mga hanging nagtataglay ay ulan ay isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo't higit yaong mga nasa silangan at timog-silangang asya depende sa lakas ng bugso nito. Ito ay maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.
MONSOON - Ito ay tumutukoy sa salitan at pagkasalungat ng hangin sa isang bansa o alternating and opposing wind o seasonal winds. Ito rin ay mayroong dalawang uri ito ay ang northeast monsoon o hanging amihan at southwest monsoon o hanging habagat .
NOTHEAST MONSOON - Pagbabago sa direksyon sa hangin mula sa kontinente patungo sa karagatan.Ito rin ay nagdudulot ng mahabang temperatura subalit walang dalang masyadong pag-ulan ..
SOUTHWEST MONSOON - Pagbabago ng direksyon ng hangin mula sa karagatan patungo sa kontinente . Nagdadala din ito ng matinding ulan sa silangang baybayin ng timog silangang asya.
Ang Kontinente ng asya ay may ibat ibang ANYONG LUPA na katangi- tangi .Isa na dito ay ang bulubundukin o mas kilaka bilang hanay ng mga bundok ang himalayas ay tinuturing ding isang bulubundukin at ito ay may sukat na umaabot sa 2,414 kilometro. Ang afghanistan,pakistan at tajikistan ay ilan din sa mga bulubundukin sa asya, Ikalawa ay ang bundok , ang bundok ay isang pataas na lupa sa daigdig ,ito rin ay hanay sa grupo ng mga burol,talampas,at lambak . Tanging sa kontinente lang ng asya matatagpuan ang mga nagtataasan at naglalakihang bundok una dito ang mt. everest na may sukat na 8,848 kilometro na matatagpuan sa timog asya (NEPAL/TIBET). Ang kapatagan ay isang malawak na kung saan karamihan ng mga tao ay dito naninirahan dito rin sila humahanap ng pagkakakitaan malaking bahagi ng kapatagan ay ang palayan. Maaari ring magtanim ng mga gulay at prutas na maaaring kainin ng mga tao.
Ang kontinente ng asya ay napapaliigiran din ng mga ANYONG TUBIG. Ang pinakamalawak na anyong tubig ay ang pacific ocean . Ang kabundukang lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon marami paring taong naniniarahan sa kapatagan kaysa sa kabundukan. Sapagkat mas pinili nila ang lugar na kung saan sila ay komportable sa lugar.
Ang PACIFIC RING OF FIRE sa Pilipinas ay kasama ang ilang mga bansa sa rehiyon ng asya pasipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay Ring of Fire o Cicum Pacific Seismic Belt. Ang lugar na ito ay nagtataglay na maaaring hanay ng mga bulkan kasama na ang bulkang mayon,pinatubo,taal,at krakatoa. ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig tinatayang walungput'isang porsyento ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito. sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang kasaysayan ang karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig ay hinubog at binigyang porma ng bukod sa paggalaw ng tectonic plates na nagpabitak at nagpaangat sa ilang bahagi ng lupa ay dulot ng nga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan. Ang bulkan ng Pacific Ring of Fire ay lalabas lamang kung kaylan ito malapit nang pumutok.
Mayroon din namang pagkakaugnay ang pagsabog ng bulkan sa pagkakaroon ng mga pisikal na anyo tulad ng bundok, talampas, ilog, lawa at dagat . Sapagkat makakatulong ito sa paggawa ng panibagong uri ng anyong lupa gamit lamang ang mga batong nagbabaga na nagmula sa bulkan. Pinaghahandaan din natin ang mga kalamidad dahil ito'y maaaring makapinsala sa ating lugar. kapag may kalamidad maaaring mangyari na gumuho ang mga pader, magkaroon ng lamat ang ating pader dahil sa sobrang lakas ng pagyanig .Maaari din tayong matabunan, madaganan at marami pang iba.Magkaugnay din naman ang lindol at tsunami. Nakasanayan na natin na tawaging tsunami ang mga alon na paparating. Nang pumutok ang mt.pinatubo maraming taong napinsala nito at mas marami din ang mga taong natabunan ng mga buhangin sa pag tabon nito dito rin sila nakagawa ng paraan para umahon at bumangon sa kanilang pagkakatabon .Kaya naman noong mangyari ang kalamidad maraming buhangin ang nagkalat sa daan. Kaya naman ang mga taga pampanga ay nagsawa sa mga buhangin . Nagisip sila ng paraan kung paano aalisin ang mga buhanging ito. Naisip nila na baka pwedeng pagkakitaan ang bagay na ito nag mula ang produktong buhangin sa lugar pampanga dahilan nga nito ang pagsabog ng mt.pinatubo . maaari ding makasira ito sa ating straktura dahil sa mga kalamidad na nangyayari o nagaganap sa ating bansa.
Ang HUC o kilala sa pangalang HIGHLY URBANCE CITY ito ang isa sa mga lugar na pinaka maganda at pinaka malawak na lugar.
Ang lahat ng ating nasa paligid ang mga kabundukan,dagat,hayop,halaman at mineral ay ang mga likas na yaman na siyang puhunang nililinang ng tao upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan noon pa man at magpahanggang sa ngayon ang uri ng pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa kanyang kapaligiran .Pagsasaka ang karaniwang hanap buhay kung ang tao ay naninirahan sa kapatagan kung sa baybaying dagat naman ay pangingisda ang ikinabubuhay.Tunay nga na ang ganitong ugnayan ng tao at kapaligiran ay isang natural na prosesong ipinagkaloob ng ating panginoon upang ang lahat ay mabuhay sa atin ng sagana .Malaki ang naitutulong nito sa atin sapagkat itoy maaari nating mapakinabangan at maaari ding magkaroon tayo ng hanap buhay dahil dito mas dadami ang mga taong uunlad sa buhay sa pamamagitan lamang ng mga likas na yaman halimbawa na lamang nito ay ang pangingisda Ang pangingisda ay isa sa hanap buhay ng maraming tao kaya naman kapag gumamit ang ibang tao ng dinamita ang lahat ng taong mangingisda ay walang pagkakakitaan dahil nga sa paggamit ng dinamita maraming tao at hayop na mapipinsala sa ganitong paraan.Ikalawa, pagmimina ng ginto dito mas malaki ang pagkakakitaan kaysa sa pangingisda ngunit kapag ikay naghukay maliliit o kapiranggot lamang ang mga iyong makikitang ginto dahil marami ang umaasa na makakakuha sila ng mga tipak ng ginto dahil kapag binenta ang mga tipak ng ginto mas malaki ang halaga nito .Kaya naman maliliit ang nakukuhang ginto ng ibang tao dahil kapag hinukay nila ang mga ginto gumagamit sila ng anong bagay para makuha ito kapag mali ang kanilang pagkuha ng ginto.
Edi meow
TumugonBurahinGood
TumugonBurahinGood
TumugonBurahingood :)
TumugonBurahin